Welcome Guest [Log In] [Register]

Forever Mark Sarah Forum Top Chart

Announcements


FMS IS NOW ACCEPTING STAFF APPLICATIONS. PLEASE PM ONE OF THE ADMINS FOR MORE INFORMATION.

People of FMS there's going to be some big changes around here pretty soon like: New Theme, Graphics, Topics and many more!

COMING SOON 2010-2011
TOP LINKS

www.SarahGeronimo.com

www.MarkBautista.com

www.TeamFms.co.cc
To all FMS, Welcome to our new home!


You're currently viewing our forum as a guest. This means you are limited to certain areas of the board and there are some features you can't use. If you join our community, you'll be able to access member-only sections, and use many member-only features such as customizing your profile, sending personal messages, and voting in polls. Registration is simple, fast, and completely free. Enjoy!


Join our community!


If you're already a member please log in to your account to access all of our features:

Username:   Password:
Add Reply
(Pilipino Star Ngayon) April 13, 2010 SHOW-MY Ni Salve Asis
Topic Started: Apr 13 2010, 08:23 PM (400 Views)
jenica_jbk
Member Avatar
thread moderator

Suwerte ni Mark Bautista. Kahit Kapuso na, napapanood pa rin siya sa ABS-CBN. Yup, ongoing pa rin ang Hair is Your Moment ng Sunsilk sa Dos, ang weekly microserye na bida si Sarah Geronimo.

Anyway, issue ngayon ang tila namumuong love triangle sa set ng nasabing microserye. Nag-aagawan daw sa atensiyon ng Pop Princess sina Mark at ang baguhang si Guji Lorenzana. Madalas makita sina Mark at Guji na nagdadala ng something for Sarah sa taping nila o ’di kaya’y sumasaglit kasama ang dalaga para mag-coffee or tea.

Talaga raw mukhang tinamaan ang dalawa kaya naman kanya-kanyang gimik sila.

Binabalik-balikan ni Mark ang dati nilang loveteam habang ang baguhang si Guji ay kailangan pang magtiyaga ng todo para mahuli ang loob ni Sarah.

Nang kulitin si Sarah tungkol sa kuwentong ‘blossoming romance’ nila at kung sino man sa dalawa ang pipiliin niya, as usual, ngiti lang ang sagot nito: “Ay, hindi po totoo. Hindi naman talaga ako ang pinag tatalunan nina Mark at Guji. On screen lamang po ang sinasabing love triangle. Off screen naman, magkaibigan kaming lahat.”

(Umiikot sa tatlong karakter ang nasabing microserye: Ang popular rock star na si Paco Figueroa (Mark), na longtime crush ni Jenny Reymundo (Sarah G.), may-ari ng isang can teen, habang si Jason Abad (Guji), ang con cert producer ay halatang tinamaan ng kan yang latest discovery.)

Siyempre lamang na lamang naman si Mark kay Guji dahil matagal na silang magka kilala ni Sarah kung magkakatotoo ito kahit idinenay na ni Sarah.

Kaya magkakalayo muna sila ng landas sa paglipat ni Mark sa GMA7. Aakting na rin ang endorser ng Mang Inasal. Pati pelikula ay balitang gagawa rin ang singer sa kanyang bagong istasyon.

Bagong mukha naman sa showbiz si Guji at kina kitaan na ito ng potensiyal na maging matinee idol. Kabilang siya ngayon sa Star Magic Batch 16, at nakapag-recording na rin. Isang Fil-Am si Guji at nag-audition siya sa American Idol kung saan si Simon Cowell mismo ang nakapansin sa kanyang kakayahang maging recording artist.

Taong 2006 nang mag-desisyon itong pasukin ang local showbiz. Noong 2008 ay pormal na nai pakilala siya ng ABS-CBN kasama ang iba pang miyembro ng Star Magic Batch 16.

“Excited talaga kami sa microseryeng ito,” sabi naman ni Jem Perez, Sunsilk brand manager ng Unilever Philippines. “Because it’s the first time that a microserye is being done where viewers influence the direction of the story. We’re particularly excited sa magiging ending nito at kung sino kina Paco at Jason ang mapipili ni Jenny – and everything is in the viewer’s hands,” dagdag pa ni Jem.

Ang mga fans ang magde-decide kung sino sa dalawa ang magiging Mr. Right para kay Jenny.

Para makaboto, kailangan lang hanapin ng mga viewers ang promo code sa loob ng Sunsilk Damage Repair shampoo or conditioner package na merong pink puzzle piece. I-type ang 10Days<promo code><letter of vote> at ipadala sa 2600. Example: 10DAYS abc12 A.
Posted Image
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
irene
No Avatar
squire

basta para sa akin si mark ang bagay kay sarah.. hehehe s14 s15 s48
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
manay babsy
Member Avatar
thread moderator

thank you irene for sharing the article s39

s48

s15

s14

m2 sg5
Posted Image
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
sgmc2009
No Avatar


congrrats Mark, very visible sya ngayon sa gma. daming project, im sure sarah is very proud of you too.
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
bunso_ging13
No Avatar


go go go jenpac!!! pakyawin ang sunsilk damage repair shampoo and conditioner at iboto ang nararapat... vote wisely!!! s14 s15 s20 s48 sm1
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
sarahmarkever
No Avatar


ako din par skin c mark din ggogogo TEAM PACO
Offline Profile Quote Post Goto Top
 
1 user reading this topic (1 Guest and 0 Anonymous)
« Previous Topic · News & Articles · Next Topic »
Add Reply

theme by inkdropstyle.com
banner by zxeyn